^

Bansa

P15-M babayaran ng Xiamen

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
P15-M babayaran ng Xiamen
Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, maari pa raw na mas tumaas pa ito sa oras na matapos ang komputasyon para sa equipment at manpower costs na ginastos sa pag-angat sa sumadsad na eroplano kung saan apektado ang mga international at domestic flights ng NAIA.
Rudy Santos

‘Di pa kasama ang equipment, manpower costs

MANILA, Philippines — Posibleng magbayad sa gobyerno ng nasa P15 milyon ang Xiamen Airlines matapos ang ilang araw na pagsasara sa main runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod ng pagsadsad ng isa nitong eroplano kamakailan.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, maari pa raw na mas tumaas pa ito sa oras na matapos ang komputasyon para sa equipment at manpower costs na ginastos sa pag-angat sa sumadsad na eroplano kung saan apektado ang mga international at domestic flights ng NAIA.

Sa crane lang anya na ginamit sa pag-angat sa Boeing 737 jet ay nasa P4 milyon na ang halaga.

Magugunita na humi­ngi na ng paumanhin ang Xiamen Air sa MIAA at sa mga pasaherong apektado ng nangyaring delay dahil sa nangyaring pagkaka­sadsad ng eroplano sa NAIA Terminal 1 runway bunsod naman ng masamang lagay ng panahon.

Namahagi rin ng mga pagkain at tubig sa mga pasahero na stranded sa airport ang naturang airline, hakbang na ginawa rin ng iba pang airlines na nagkansela, na-delay o nag-reroute ng kani-kanilang mga flights dahil sa nasabing insidente.

Ayon kay Monreal, maari raw na maghain ng hiwalay na kaso ang iba pang airline companies laban sa Xiamen Air para mabawi ang kanilang ikinalugi mula sa 36-oras na delay.

Samantala, balik nor­mal na kahapon ang ope­ration ng Philippine Airlines (PAL).

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, wa­la na umanong kanse­lado at stranded na pa­sahero sa paliparan kayat umaasa silang magiging normal na rin ang sitwas­yon.

Ayon naman kay Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta, wala na rin daw silang mga flight na kinansela ngayong araw matapos ang recovery flight sa mga apektadong pasahero.

vuukle comment

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

XIAMEN AIRLINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with