^

Bansa

9 cadets pinatalsik sa PNPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
9 cadets pinatalsik sa PNPA
Inihayag ito kahapon ni PNPA Director P/Chief Supt. John Adnol matapos niyang pagtibayin ang ipinataw na kaparusahan laban sa mga kadete base sa inilabas na resulta ng rekomendasyon ng Board of Inquiry noong Agosto 10.

Nambugbog ng upperclassmen

MANILA, Philippines — Pinatalsik na sa Philippine National Police Aca­demy (PNPA) ang siyam sa 42 kadete na nambugbog sa anim nilang upperclassmen sa graduation ceremony noong Marso 21 ng taong ito.

Inihayag ito kahapon ni PNPA Director P/Chief Supt. John Adnol matapos niyang pagtibayin ang ipinataw na kaparusahan laban sa mga kadete base sa inilabas na resulta ng rekomendasyon ng Board of Inquiry noong Agosto 10.

Binigyan pa ng 10 araw o hanggang nga­yong araw (Agosto 22) ang mga akusado para ma­­ka­pagsumite ng apela sa desisyon.

Samantala, dalawa na­man sa mga kadete ang pinatawan ng pagkakasuspinde o turnback o mula 3rd year ay ibabalik ang mga ito sa 2nd year.

Nasa 31 kadete naman ang pinarusahan ng demerits, touring o pag-iikot sa kampo at confinement to barracks o pagbabawal na makalabas ang mga ito ng kampo.

Dalawa naman sa mga kadete ang inabsuwelto.

Sa kabuuan, aabot sa 44 kadete ang isinalang sa imbestigasyon sa nasabing kaso.

Gayunman, hindi muna tinukoy ng opisyal ang mga pinatalsik na kadete habang hindi pa nadedesisyunan ang apela ng mga ito.

Magugunita na ilang minuto pa lamang matapos na umalis si Pangulong Duterte sa PNPA sa Camp Castañeda, Silang Cavite noong nakalipas na Marso 21 nang mangyari ang kontrobersyal na insidente. 

Ang Pangulo ang nagsilbing panauhing pandangal at tagapagsalita sa graduation ceremony ng PNPA Maragtas Class 2018.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACA­DEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with