^

Bansa

Joy B tumanggap ng ayuda mula kay Inday Sara para sa mga binaha

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Joy B tumanggap ng ayuda mula kay Inday Sara para sa mga binaha
Ang naturang ayuda ay laan para sa mga nabiktima ng nagdaang mga kalamidad sa bansa na higit na naapektuhan ang mga taga-QC .
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nagkaloob si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng P500,000 ha­laga kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte nang ilunsad ang alyansa ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) kasama ang iba’t-ibang mga lokal at rehiyonal na partido, kabilang na ang Serbisyo ng Bayan Party (SBP) ng Quezon City na pinangunahan ng huli.

Ang naturang ayuda ay laan para sa mga nabiktima ng nagdaang mga kalamidad  sa bansa na higit na naapektuhan ang mga taga-QC .

Nagbigay rin ng P500,000 si Duterte kay Pampanga Governor Lilia Pineda bilang tulong sa kanyang mga nasasakupan na apektado ng baha.

Pinasalamatan naman ni Duterte-Carpio sa kanyang talumpati sina Belmonte at Pineda sa pagpunta nila sa paglulunsad ng nasabing alyansa sa kabila ng kanilang mga isinasagawang “relief ope­rations” para sa kanilang mga nasasakupan. 

Noong July 23 ay nagsanib-pwersa sina Duterte-Carpio at Belmonte para sa muling pagpirma ng kasunduan sa sister-city ties ng lungsod ng Davao at Quezon. Pinangunahan din nila ang paglunsad ng “Tapang at Malasakit” sa QC.

vuukle comment

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with