^

Bansa

Sa mga nangho-hostage ng pasyente at bangkay, Parusa pinatataasan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sa mga nangho-hostage ng pasyente at bangkay, Parusa pinatataasan
Sa Senate Bill 1397 na inihain ni Senator Risa Hontiveros, nais nitong amiyendahan ang Republic Act 9439 o ang batas na nagbabawal na pigilin ang isang pasyente sa mga hospitals at medical clinics dahil lamang sa hindi makumpleto ang bayad sa hospital bills o medical expenses.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong itaas ang parusa sa  mga  may-ari ng ospital na nangho-hostage ng pasyente at maging ng bangkay ng namatay na pasyente na mga walang pambayad.

Sa Senate Bill 1397 na inihain ni Senator Risa Hontiveros, nais nitong amiyendahan ang Republic Act 9439 o ang batas na nagbabawal na pigilin ang isang pasyente sa mga hospitals at medical clinics dahil lamang sa hindi makumpleto ang bayad sa hospital bills o medical expenses.

Sa kasalukuyang batas, ang mga opisyal o empleyado ng isang ospital o medical clinic na lalabag sa batas ay pinapatawan ng multang hindi bababa sa P20,000 pero hindi lalampas sa P50,000 o pagkakulong ng hindi bababa sa isang buwan pero hindi lalampas sa isang buwan o kaya ay kulong at multa base sa diskrisyon ng korte.

Sa panukala ni Hontiveros, nais nitong itaas ang multa sa hindi bababa sa P100,000 hanggang P300,000 at pagkabilanggo ng mula anim na buwan hanggang dalawang taon.

Nais din ni Hontiveros na tuluyang tanggalan ng lisensiya na mag-operate kung tatlong beses na lalabag ang isang ospital o medical clinic.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na, bagaman 11 taon nang naipapasa ang RA 9439 pero patuloy pa rin ang mga ulat na may mga pasyenteng hindi nakakalabas sa ospital o kaya ay hindi agad naiiuwi ang mga labi ng kanilang pasyente kapag namatay kung hindi kumpleto ang bayad.

vuukle comment

RISA HONTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with