^

Bansa

Makataong budget iharap - Nograles

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Makataong budget iharap - Nograles
Ayon kay House Appropriations Chairman Rep. Karlo “Ang Probinsiyano” Nograles, kapag nakapagsumite ng “Tunay na People Budget” ang DBM at DBCC ay agad nilang sisimulan ang deli­berasyon sa 2019 budget.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Siniguro ng liderato ng Kamara sa publiko na agad nilang itutuloy ang deliberasyon sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa sandaling magkaroon na ng positibong tugon ang Department of Budget and Management (DBM) at ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa mga agam-agam ng mga kongresista tungkol sa sistema ng cash based budgeting sa P3.757 Trilyong 2019 National Budget.

Ayon kay House Appropriations Chairman Rep. Karlo “Ang Probinsiyano” Nograles, kapag nakapagsumite ng “Tunay na People Budget” ang DBM at DBCC ay agad nilang sisimulan ang deli­berasyon sa 2019 budget.

Ang DBM, National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Finance (DOF), at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay mga kasapi ng DBCC, na nagsumite ng panukalang budget at sa bagong cash-based budgeting system. 

Paliwanag ni Nograles, pansamantalang pagkaantala lamang ito suba­lit tiyak na maipapasa ang budget sa takdang panahon, na isang budget na makatotohanan, makatao at maka probinsiyano na susulong sa mga pangunahing proyekto at programa ni Pangulong  Duterte.

Sinabi pa ni Nograles na, nagkaisa na ang mga mambabatas laban sa nasabing sistema ng pagba-budget at nagsabi na “ang cash-based budgeting ay hindi makatotohanan, walang paraan upang maisagawa, at laban sa interes ng aming mga nasasakupan.”  

Sinabi pa ng kinatawan ng Davao na dahil sa higpit ng cash-based system, ang panukalang budget sa 2019 NEP ?ay P10 bilyon ang ibinaba sa tunay na halaga kung ikukumpara sa 2018 General Appropriations Act (GAA) na nasa P3.767 trilyon. 

Kaya daing pa ng kongresista na halos lahat ng ahensya ng gobyerno ay natapyasan ng malalaking halaga ng ilalaan, “na ang dulo ay mas mababang budget para sa lahat: mas kakaunting bilang ng mga klasrum, barangay health center, kalsada, tulay, at mga sitio na papailawan.”

vuukle comment

KARLO “ANG PROBINSIYANO” NOGRALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with