^

Bansa

Customs men kasabwat ng drug syndicate

Malou Escudero, Jess Diaz, Emmanuel Tupas - Pilipino Star Ngayon
Customs men kasabwat ng drug syndicate
Sinabi ni Aquino na, bagaman hindi pa nila matutukoy kung sinu-sinong mga tauhan ng BoC ang sangkot, nakakatiyak siya na may ilang mga perso­nalidad sa ahensiya na may kinalaman sa pagpupuslit ng bawal na gamut.
Edd Gumban

Ayon sa PDEA chief

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency Director Ge­neral Aaron Aquino na ang mga tauhan ng Bureau of Customs ay kasabwat umano ng drug syndicate na nagpasok sa bansa ng isang tonelada ng shabu na halagang P6.8 milyon.

Sinabi ni Aquino na, bagaman hindi pa nila matutukoy kung sinu-sinong mga tauhan ng BoC ang sangkot, nakakatiyak siya na may ilang mga perso­nalidad sa ahensiya na may kinalaman sa pagpupuslit ng bawal na gamut.

“Ang isang international syndicate ay hindi susugal na magdadala ng mga bawal na gamot kung wala silang kontak sa loob ng Customs na tutulong sa kanila na maipasok ang kargamento,” sabi niya sa isang panayam sa telepono.

Para patunayan ang kanyang punto, iginiit ni Aquino na imposibleng hindi mapansin ng mga x-ray machine operator ang mga narkotiko sa loob ng mga container.

“Dapat may kakayahan ang mga x-ray machine kasi, kung wala, bumili na tayo ng mga bagong gamit,” wika pa niya.

Sa isang television interview kamakalawa, sinabi ni Aquino na ang mga tiwaling tauhang ito ay nagsasagawa ng mga iligal na aktibidad nang lingid sa kaalaman ni Customs Chief Isidro Lapeña.

Samantala, takda nang imbestigahan ng House of Representatives ang nawawalang P7 bilyong shabu shipment na sinasabi ng PDEA na nakalusot sa Customs at maaaring ibinebenta na ngayon sa bansa ng mga drug syndicate.

Sinabi kahapon ng tagapangulo ng House committee on dangerous drugs na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbes na sisimulan na ng kanyang komite ang imbestigasyon sa susunod na linggo.

Nilinaw din ni Barbers na ang gagawin nilang imbestigasyon ay iba sa ginawang pagsisiyasat ng House noong nakaraang taon sa P6.4 bilyong shabu na nakarating sa dalawang bodega sa Valenzuela. 

Sa bago anyang kaso, sinasabi ng PDEA na nakapasok sa bansa at nawawala ang kontrabando.  Sinabi ni Barbers na sasabihan nila ang PDEA na magpakita ng pruweba sa akusasyong ito.

Sa kaugnay na ulat, hindi inaalis ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang posibilidad na nagkaroon ng sabwatan kaya nakalusot na naman sa mga awtoridad at naipasok sa bansa ang P7 bilyong halaga ng shabu.

Ayon kay Sotto, hindi masasabing “katangahan” kaya nalusutan na naman ang mga awtoridad dahil magagaling na opisyal ang tao sa BoC. 

“Sigurado (may sabwatan). Papaano makakapasok kung walang sabwatan? Hindi naman puwedeng katangahan dahil sobrang magagaling ng mga nandoon,” sabi ni Sotto.

Matatandaan na ni-raid ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang warehouse sa General Mariano Alvarez, Cavite  kung saan nakita ang mga wala ng laman na mga magnetic lifters na pinaniniwalaang ginamit para sa pagpapasok ng tone-toneladang shabu.

Sinabi naman ni Sotto na hindi dapat nag-aaway sa publiko ang PDEA at ang BoC at dapat tigilan na muna ang turuan.

vuukle comment

AARON AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with