^

Bansa

Pinas papautangin ng Russia para makabili ng 2 submarine

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pinas papautangin ng Russia para makabili ng 2 submarine
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kasalukuyan silang nagsa-“shopping” sa mga bansang maaring mapagkunan ng specialized underwater craft at isa ang Russia sa kanilang ikinokonsidera pero sa kasalukuyan ay wala pa silang sapat na pondo para sa nasabing proyekto.

MANILA, Philippines — Nakahandang magkaloob ng soft loan ang Russia upang makabili ng dalawang  modernong submarines ang Armed Forces of the Philippines para magamit ng Philippine Navy.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kasalukuyan silang nagsa-“shopping” sa mga bansang maaring mapagkunan ng specialized underwater craft at isa ang Russia sa kanilang ikinokonsidera pero sa kasalukuyan ay wala pa silang sapat na pondo para sa nasabing proyekto.

Ayon kay Lorenzana, bukas ang Russia na bentahan nila ang Pilipinas ng kanilang Kilo-class diesel-electric submarines na may surface displacement ng 2,350 tons, at may habang 73.8 meters at may bilis na 17 to 20 knots at maaring armasan ng iba’t ibang uri ng torpedoes, missiles at naval mines.

“Kung wala tayong pera pahihiramin tayo ng Russia, soft loan(s) (to acquire submarines),” ani Lorenzana.

Sinasabing may cruising range ito na 6,000 to 7,500 nautical miles.

Nabatid na sa ASEAN Region, ang Vietnam ang lantad na may anim na improved Kilo-class submarines sa kanilang armada.

Tinitingnan din ni Lorenzana ang iba pang posible submarines suppliers mula sa Europe, kabilang dito ang France.

Unang ng inihayag ni Lorenzana na gaya ng Pilipinas na isang island nation, masasabing hindi kumpleto ang depensa nito kung walang submarines sa kagamitan nitong pandigma.

Kapag nagkataon, ito ang kauna-unahan na magkakaroon ng modernong submarine ang Philippine Navy.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with