P1 budget sa DENR
MANILA, Philippines — Dahil sa isyu ng maruming tubig ng Manila Bay, nagbanta si Buhay partylist Rep. Lito Atienza na bibigyan niya ng pisong budget ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa pagdinig ng House committee on appropriations, inirekomenda ni Nueva Ecija Rep. Estrelita Suansing na bigyan lang ng P100 budget ang DENR pero para kay Atienza, piso ang dapat na ibigay na budget.
Pinabubuwag din ni Atienza ang DENR kung hindi malilinis ang Manila Bay.
Dismayado si Suansing sa presentasyon ng budget ng kagawaran dahil ang presentasyon lang ni DENR Secretary Roy Cimatu ay tungkol sa accomplishment sa Boracay at wala silang nakikitang presentasyon tungkol sa lawa.
Kaya banta ni Atienza kung hindi malilinis ng DENR ang Manila bay ay bibigyan nila ito ng pisong budget.
- Latest