Suarez kinilala nang House minority leader
MANILA, Philippines — Natapos na ang agawan ng minority group sa Kamara matapos na maihalal sa plenaryo si Quezon Rep. Danilo Suarez na minority leader sa pamamagitan ng viva voce vote o ang pagsigaw lamang ng ayes at nays.
Tinangka pa itong harangin ng ibang kongresista na kabilang sa ibang grupo ng minority group subalit binalewala ito ni House Deputy majority leader Fredinil Castro.
Matatandaan na kabilang din sa nagnanais na maging minority leader si Marikina Rep. Miro Quimbo at Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas.
Sinabi naman ni Quimbo na hindi lamang lumikha kundi sinemento pa ng Kamara ang legal question sa pagkakatalaga kay Suarez bilang minority leader.
- Latest