^

Bansa

PH Navy naghahanda na sa deployment sa Libya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PH Navy naghahanda na sa deployment sa Libya
“Habang kinakalap ng inyong Philippine Navy ang mga datos, inihahanda nito ang pagpapadala ng isang Naval Task Group para tulungan ang Department of Foreign Affairs sa sitwasyon sa Libya,” pahayag ni Philippine Navy Spokesman Commander Jonathan Zata.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang mga elemento ng Philippine Navy sa pagpapadala ng barko nitong pandigma at mga tauhan para  tumulong sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagsagip sa tatlong Pilipino at isang South Korean national na binihag ng mga armadong grupo sa  Libya.

“Habang kinakalap ng inyong Philippine Navy ang mga datos, inihahanda nito ang pagpapadala ng isang Naval Task Group para tulungan ang Department of Foreign Affairs sa sitwasyon sa Libya,” pahayag ni Philippine Navy Spokesman Commander Jonathan Zata.

Ito’y kasunod ng pa­hayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes na magpapadala siya ng warship ng PH Navy kasama ang team nito upang tumulong sa pagsagip sa mga bihag na tatlong Pinoy engineer at isang South Korean doon.

Ang tatlong Pinoy at ang South Korean ay binihag ng mga armadong grupo sa isang water project sa western Libya noong Hulyo 6 ng taong ito habang kinumpirma naman ng Philippine Embassy sa Tripoli na mga Pinoy ang nasa video na kumalat sa Libya  nito lamang mga nakalipas na araw.

Sinabi ni Zata na ma­aari nilang ideploy anumang oras ang Philippine Navy na binubuo ng Fleet Marine component.

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with