^

Bansa

Gabinete liligawan ang Senado sa Pederalismo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Positibo ang Palasyo na may pamamaraan upang makumbinsi ang mga senador upang suportahan ng mga ito ang isinusulong na Charter Change (Chacha) para bigyang-daan ang Pederalismo na isinusulong ng administrasyong Duterte.

MANILA, Philippines — Positibo ang Palasyo na may pamamaraan upang makumbinsi ang mga senador upang suportahan ng mga ito ang isinusulong na Charter Change (Chacha) para bigyang-daan ang Pederalismo na isinusulong ng administrasyong Duterte.

Magugunitang tiniyak ni Sen. Panfilo Lacson na hinihintay na lamang ma-cremate sa Senado ang Cha-cha tungo sa Pederalismo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maraming paraan naman para mahikayat at maliwanagan ang mga senador para umusad ang panukalang Federal Constitution.

Sinabi pa ni Roque, pagtutuunan nila rito ang merito ng panukala kung bakit kinakailangan itong isulong at pagtibayan sa Kongreso.

Una rito, inaasahang mismong mga miyembro ng gabinete ay kikilos na rin para maipaliwanag sa “grassroots” o masang Pilipino ang Pederalismo.

Inihayag naman ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, batay sa kanyang panukala sa inter-agency task force, ang lahat ng mga Cabinet secretaries na may kanya-kanyang rehiyon ay bababa sa kanilang lugar para tumulong sa pagpapaliwanag ng Pederalismo na isinusulong ng administrasyon.

vuukle comment

CHARTER CHANGE

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with