^

Bansa

4 ex-solon pinaaaresto ng korte

Romina Cabrera - Pilipino Star Ngayon
4 ex-solon pinaaaresto ng korte
Sa inisyung arrest warrant ni Judge Evelyn Atienza-Turla ng Palayan RTC Branch 40, nakitaan ng probable cause para kasuhan sina Maza, dating Agrarian Reform secretary Rafael Mariano at dating Bayan Muna representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinaaaresto ang apat na lider ng militanteng grupo kabilang si National Anti-Poverty Commission Sec. Liza Maza at da­ting mga mambabatas na mula sa Makabayan bloc matapos na ipalabas ang warrant of arrest laban sa kanila ng Nueva Ecija Regional Trial Court nitong Hulyo 11 para sa kinasasangkutan nilang double murder case noong 2006.

Sa inisyung arrest warrant ni Judge Evelyn Atienza-Turla ng Palayan RTC Branch 40, nakitaan ng probable cause para kasuhan sina Maza, dating Agrarian Reform secretary Rafael Mariano at dating Bayan Muna representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño.

Ang double murder case ay batay sa rekla­mong isinampa laban sa kanila na umano’y sila ang nag-utos na paslangin ang mga magsasakang sina Danilo Felipe, Carlito Bayudang at Jimmy Peralta noong 2001 at 2004.

Sinabi naman ng abu­gado ng apat na akusado na si Racher Pastores ng Public Interest Law Center na handa naman nila umanong harapin ang kaso at maghahain sila ng motion for reconsideration sa korte sa darating na Lunes.

Kinukuwestiyon naman ni Pastores ang na­ging hakbangin ni Turla nang muli nitong buhayin ang kaso na noon aniya ay sinabi ni Turla na walang probable cause.

Ani pa ni Pastores, da­pat na umanong ibasura ang kaso laban sa apat dahil wala itong batayan.

Samantala, sinabi naman ni NCRPO director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar na magi­ging patas ang kanilang pagtrato sa apat sa oras na dakpin nila ang mga ito matapos na matanggap nila ang kopya ng arrest warrant.

“Wether they are rich, influential or local government officials, we treat them properly,” ani Elea­zar.

vuukle comment

LIZA MAZA

MAKABAYAN BLOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with