^

Bansa

84 congressmen ga-graduate sa June 2019

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
84 congressmen ga-graduate sa June 2019
Ayon kay Drilon, ang “purpose” ng Cha-cha ay ang ‘no-el’ kaya dapat itong bantayan.

MANILA, Philippines — Ipinahiwatig kamakalawa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na isinusulong ang Charter change o pagbabago ng Konstitusyon para maipagpaliban ang 2019 election (no-el) lalo pa’t 84 congressmen ay hindi na maaring tumakbo o magtatapos na ang termino.

Ayon kay Drilon, ang “purpose” ng Cha-cha ay ang ‘no-el’ kaya dapat itong bantayan.

“Cha-cha is being pushed in order to postpone the election in 2019 (no-election), dahilan sa mga 84 congressmen ay hindi na pwedeng tumakbo dahil sa term limit. Ang Cha-cha, ang purpose nito ay no-el. Bantayan po natin,” sabi ni Drilon.

Sinabi pa ni Drilon na kung matutuloy ang no-el, ang mga elected officials ay maaring palitan o i-appoint muli ni Pangulong Duterte matapos ang kanilang termino sa Hunyo 30, 2019.

Malaking kuwestiyon aniya kung may “holdover” ang termino ng mga elec­ted officials kabilang ang 84 congressmen pagsapit ng Hunyo 30, 2019.

“Ang mainit na debate ay kung may holdover ba o wala, dito sa ating Saligang Batas, ang termino ng officials ay mag-expire sa June 30, 2019. Kung i-postpone, anong mangyayari on July 1, 2019,” sabi ni Drilon.

Ipinunto ni Drilon na nangyari na ito sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ng magkaroon ng synchronize election.

Ipinunto rin ni Drilon na hindi maaring ipagpaliban ang eleksiyon kung walang batas kaya posibleng ipilit na magpasa ng batas para sa gagawing pagpapaliban ng halalan.

vuukle comment

FRANKLIN DRILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with