^

Bansa

Malacañang umaasang mananalo si Pacquiao

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Malacañang umaasang mananalo si Pacquiao
Kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa personal na manonood ng laban ni Pacquiao sa Kuala Lumpur, Malaysia.
AP Photo/Yam G-Jun

MANILA, Philippines — Nagpahayag kahapon ng pag-asa ang Malacañang sa pamamagitan ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na mananalo sa kanyang laban ngayong Linggo si Senator Manny Pacquiao laban kay Lucas Matthysse ng Argentina.

Kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa personal na manonood ng laban ni Pacquiao sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay Go, ang pa­nalo ni Pacquiao ay maituturing ding panalo ng Pilipinas.

“Ang laban ni Manny ay laging laban para sa bansa. Binibigay niya ang kanyang buong lakas at tapang para maipakita sa mundo na ang Pilipino ay lumalaban hindi lang sa loob ng boxing ring kundi sa buhay,” sabi ni Go.

Binanggit din ni Go na nananatiling inspirasyon si Pacquiao sa kanyang mga laban na nagawang iangat ang sarili mula sa kahirapan sa pamamagitan ng boxing.

“Laging isang inspirasyon si Manny at ang kanyang mga laban. Mula sa kahirapan, naiangat ni Manny ang sarili at ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang pinakamamahal na sports-ang boxing,” sabi ni Go. 

Sinabi rin ni Go na nag-iisang boksingero si Pacquiao sa buong mundo na nakakuha ng iba’t-ibang titulo sa iba’t-ibang dibisyon.

“Higit sa lahat, ginamit niya ang natamong kara­ngalan para tulungan ang kapwa Pilipino. Ang ating 8-division world champion at nag-iisang boksingero sa buong kasaysayan na makakuha ng 10 titles sa magkakaibang dibisyon ay gumagawa at pina­ngungunahan ang mga proyekto at adbokasiya para maiangat ang buong sambayanan,” sabi ni Go.

Nagpahayag ng pag-asa si Go na muling magpapakita ng magandang laban si Pacquiao at makukuha nito ang titulo mula kay Matthysse.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with