^

Bansa

Security escorts ni Trillanes tinanggal ng PNP

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Security escorts ni Trillanes tinanggal ng PNP
Isang taga-suporta ng oposisyon ang unang nag post sa kanyang Facebook account ng tungkol sa ginawang pagtanggal ng PNP sa security escorts ng senador na kinumpirma naman nito.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Senator Antonio Trillanes IV na tinanggal na ng Philippine National Police ang kanyang security escorts.

Isang taga-suporta ng oposisyon ang unang nag post sa kanyang Facebook account ng tungkol sa ginawang pagtanggal ng PNP sa security escorts ng senador na kinumpirma naman nito.

Ayon kay Trillanes noon pang katapusan ng Hunyo binawi ang nakatalaga sa kanya na security.

Sinabi naman ng isang staff ni Trillanes na walang ring nakatalagang security kay Trillanes mula sa Senado.

Inihayag ng senador na hindi makakaapekto sa kanya kahit tinanggalan pa siya ng security escorts. Sinabihan niya ang kanyang mga tagasuporta na huwag mag-alala dahil alam niyang alagaan ang sarili.

Hind rin umano paranoid ang senador.

‘Wag silang mag-alala dahil siguro by this time, I know how to take care of myself. Pero di naman ako paranoid, ano,” ani Trillanes.

Sinabi rin ng senador na alam niyang may plano ang Diyos para sa kaniya.

Kinontra rin ni Trillanes ang pahayag ng Malacañang na may natitira pa siyang security escorts kahit pa tinanggal na ng PNP ang itinalaga sa kanyang security.

Sa isang text message sinabi ni Trillanes na “inaccurate” ang pahayag dahil kapwa tinanggal sa kanya ang mga personnel  mula sa PNP at  Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ginawa ni Trillanes ang pahayag matapos sabihin ni Presidential spokesperson Harry Roque na base sa PNP, tinanggal umano ang dalawang security escorts ng senador dahil  may anim na itong security gayong apat lamang ang pinapayagan.

Ipinahiwatig din ni Ro­que na mas kailangan ng PNP na bantayan ang komunidad kaysa sa isang tao lamang.

Nauna nang sinabi ng isang staff ni Trillanes na tanging mga miyembro na lamang ng Magdalo group ang nagbabantay sa senador.

Ayon naman kay PNP Spokesman Sr. Supt. Benigno Durana Jr., may natitira pang protective security personnel si Trillanes.

Ipinaliwanag ni Durana na kahit pinull-out na ang mga police escorts ni Trillanes ay may dalawa pa naman itong security detail mula sa Special Unit ng AFP, dalawa mula sa Philippine Navy at dalawa mula sa Senate Security.

Ang Senador ay mula sa Philippine Navy bago ito tumakbo at nagwaging senador matapos na landasin ang pulitika noong May 2007 national elections ilang taon matapos itong masangkot sa Oakwood mutiny o ang bigong coup de etat laban sa dating administrasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ipinaliwanag ni Durana na ang hindi pagre-renew ng letter orders mula sa PNP ay pagtalima lamang sa implementasyon ng Alunan Doctrine  na nagsasabing dalawang security escorts lamang dapat meron ang sinumang opisyal ng gobyerno. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with