^

Bansa

Deadline sa political parties pinalawig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Deadline sa political parties pinalawig
Alinsunod ito sa Resolution No. 10395 na inisyu ng Commission En Banc.
Fie Photo

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga political parties na ngayong Linggo (Hulyo 15) ang huling araw na itinakda para sa pagsusumite ng kani-kanilang petition for registration para sa gaganaping National and Local Elections (NLE) sa Mayo 13, 2019.

Alinsunod ito sa Resolution No. 10395 na inisyu ng Commission En Banc.

Gayunman,  pinalawig na rin ito upang ikunsidera ang pagpatak ng petsa sa araw ng Linggo, na maari pa sa Lunes, Hulyo 16, hanggang alas-5:00 ng hapon.

Samantala, ang pagpaparehistro para sa coalition ng political parties ay hanggang sa Agosto 31, 2018 pa.

Sa ilalim ng Section 61, Article VIII ng Omnibus Election Code, ang anumang organisadong grupo ng mga tao na nagnanais magpatala bilang national o regional political party ay dapat na magsumite sa Commission ng verified petition kasama ang kanilang constitution and by-laws, plataporma o programa ng gobyerno, at iba pang mahahalagang impormasyon na hinihingi ng Commission.

Ang Commission naman umano, matapos ang due notice at hearing, ang siyang reresolba ng petisyon sa loob ng 10-araw mula sa petsa kung kailan ito naisumite.

Ang petitions for registration na isinusumite sa Clerk ng Comelec ay may bayarin na P10,000.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with