P192.5-M PAMANA fund ipinababalik ni Dureza sa AFP
MANILA, Philippines — Hiniling ni Presidential Peace Adviser Jesus G. Dureza sa Armed Forces of the Philippines na ibalik ang P192.5 milyon na inilabas noong 2012 para sa road projects sa Maguindanao sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program na hindi pa rin na ipapatupad.
Sa isang pakikipagpulong noong Martes sa mga opisyal ng AFP sa pangunguna ni 52nd Engineering Brigade commander Brigadier General Dionisio Baudin Jr., ipinunto ni Dureza ang pagkakaantala sa pagpapatupad ng P100 milyon “concreting” ng Lamud-Ganassi-Biarong road sa munisipalidad ng South Upi at P150 milyon pag-kongkreto ng Makir-Sibuto-Kinabaka road sa munisipalidad ng Datu Odin Sinsuat.
Ang mga nasabing proyekto ay dapat ipinatupad ng nagdaang administrasyon simula noong Hulyo 2012 dahil naibigay na ang pondo sa AFP.
Ang pondo ay mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP), na inilabas ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).
- Latest