^

Bansa

Pinoy scientists babalik sa Pinas sa RA 11035 - Salceda

Pilipino Star Ngayon
Pinoy scientists babalik sa Pinas sa RA 11035 - Salceda
Ayon kay Salceda, na principal author ng RA 11035 sa Kamara, tugma ang bagong batas sa kulturang Pinoy at aakitin nitong umuwi sa sariling bansa ang mga ekspertong Pilipino dahil maganda ang mga benepisyong alok nito at malalapit pa sila sa kanilang mga pamilya.

MANILA, Philippines — Inaasahan ni Albay Rep. Joey Salceda na babalik sa Pilipinas ang mga Pinoy scientist at eksperto sa teknolohiya dahil sa kaakit-akit na mga benepisyong alay ng 2018 Balik Scientist Act (RA 11035) na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Salceda, na principal author ng RA 11035 sa Kamara, tugma ang bagong batas sa kulturang Pinoy at aakitin nitong umuwi sa sariling bansa ang mga ekspertong Pilipino dahil maganda ang mga benepisyong alok nito at malalapit pa sila sa kanilang mga pamilya.

Pangangasiwaan ng Department of Science and Technology (DOST) ang Balik Scientist Program (BSP) na naglala­yong pabahain sa bansa ang mga makabagong teknolohiyang magpapaunlad sa Pilipinas.

Binigyang diin ni Salceda na ‘globally competitive’ ang alok nitong mga benepisyo. Kasama rito ang libreng buwis sa iuuwi nilang sasakyan, ‘professional equipment’ at kagamitan; pagsali sa mga ‘Grants-in-Aid research and development projects’ at taunang mga kumbensiyon ng mga scientist na gaganapin ng DOST; ‘round-trip airfare’ mula sa bansang panggagalingan pauwi sa Pilipinas at pabalik, ‘subsidized visa applications,’ libreng buwis sa ‘daily allowance’ nila at marami pang iba.

Para sa mga scientist na magtatagal sa Pilipinas, maaaring bigyan sila ng ‘special relocation benefits, special non-immigrant visas,’ pabahay, tulong sa pag-aaral ng mga batang anak, trabaho para sa kanilang asawa, pondo para sa pagtatatag ng mga laboratory, at iba pa, dagdag niya.

Inilunsad ang unang BSP sa ilalim ng PD 819 noong 1975.   

Ayon kay Salceda, tutugunan ng RA 11035 ang mga kaulangan ng lumang BSP. 

vuukle comment

DUTERTE

JOEY SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with