^

Bansa

‘Utak’ sa ‘Bote’ slay tukoy na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Utak� sa �Bote� slay tukoy na
Kinumpirma ito kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde matapos na ikanta ng dalawang nasakoteng gunmen na sina Florencio Suarez at Robert Gumacay, pawang mga umano’y hired killers.
Manuel Tupas

MANILA, Philippines — Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang mastermind sa pananambang at pagkakapatay kay Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Kinumpirma ito kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde matapos na ikanta ng dalawang nasakoteng gunmen na sina Florencio Suarez at Robert Gumacay, pawang mga umano’y hired killers.

“Yes yun ang sinasabi nila that’s why yung binanggit nilang tao (mastermind) which we cannot name right now is a subject of our manhunt. He is now a person of interest,” ayon pa kay Albayalde.

Sa inisyal na imbestigasyon ay hindi pulitika ang motibo ng pagpatay kay Mayor Bote kundi negosyo dahil isa itong inhinyero at may construction at quarrying business.

Gayunman, tumanggi muna pansamantala si Albayalde na tukuyin ang sinasabing mastermind dahil patuloy pa ang imbestigasyon at dragnet operations sa mga salarin.

Una nang sinabi ni Albayalde na apat hanggang limang suspek ang sangkot sa ambush–slay sa alkalde. 

Sina Suarez at Gumacay ay nasakote kamakalawa sa kahabaan ng Andaya National Highway sa Brgy. Cabasag, Del Gallego, Camarines Sur matapos na maharang sa checkpoint ang sinasakyan nilang Toyota Avanza (PGQ 134) bandang alas-9:30 ng umaga.

Nakumpiska sa mga ito ang isang cal .45 pistol at P70,000 cash na pinaniniwalaang bahagi ng ibinayad ng mastermind upang paslangin si Mayor Bote.

Nabatid pa na hindi mga lisensyadong armas ang ginamit sa pagpatay sa alkalde kung saan nasa 4-8 mga armas ang ginamit ng mga salarin.

Magugunita na si Mayor Bote ay napatay matapos tambangan ang sasakyan nito sa harapan ng National Irrigation Administration (NIA) noong Hulyo 3.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with