^

Bansa

Duterte sa Diyos: Sorry

Pilipino Star Ngayon
Duterte sa Diyos: Sorry

MANILA, Philippines - Humingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos nitong Martes dahil sa kanyang pambabastos na ikinagalit ng mamayanang Katoliko sa bansa.

Ginawa ito ni Duterte sa kanyang pakikipagpulong kay Jesus is Lord Church leader Brother Eddie Villanueva, na isa sa mga bumatikos sa kanya dahil sa pagtawag niyang 'bobo' sa Diyos.

“If it’s the same God, then I’m sorry. That’s how it is. Sorry, God. As in sorry, God. If God is taken by everybody as a generic term then that will include [that],” pahayag ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na para sa mga Katoliko o sa mga 'maling' paniniwala ng Katoliko ang kanyang pahayag. Pero hindi lamang para sa mga katoliko o kristiyano ang mga konsepto ng tukso ni Adan at Eba.

“But my concept of God, when it is put at stake with the other people using the name of God in vain, remember there is a division between church and state,” dagdag ni Duterte.

Pinaalalahanan naman ni Duterte ang mga relihiyoso na huwag gamitin ang pangalan ng Diyos para atakihin ang gobyerno. Ito ay maaring patama sa Australian Sister na gusto niyang paalisin ng bansa dahil sa mga pahayag nito ukol sa pamahalaan.

“That is not the proper way to do it... I’m sure this is not what God wants,” ani Duterte.

Nagpasiklab ng pambabatikos mula sa publiko ang pangulo matapos nitong tawaging 'stupid son of a bitch' ang Diyos dahil sa storya ng paglikha na nakasaad bibliya.

Sa kanyang talumpati kamakailan, sumumpa si Duterte na magbibitiw sa pwesto kung mapatutunayan ng mga Kristyano na totoo ang kanilang Diyos sa pamamagitan ng selfie.

Madalas makaalitan ng pangulo ang Simbahan, na may malaking impluwensya sa lipunan, dahil sa kanyang madugong laban sa iligal na droga.

Nakipagkita naman ang pangulo sa kay Archbishop Romulo Valles noong Lunes para pakalmahin ang pababatikos sa kanyan. Nangako rin si Duterte na hindi na magsasalita laban sa Simbahan. (Jaeger Dwayne G. Tamaray)

vuukle comment

CATHOLIC CHURCH

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with