^

Bansa

P3.757-T budget para sa 2019 inaprubahan ni Digong

Pilipino Star Ngayon
P3.757-T budget para sa 2019 inaprubahan ni Digong

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang Gabinete ang iminungkahing P3.757 trilyong national budget para sa susunod na taon na unang maitatalang cash-based.

Kinumpirma ni Budget Sec. Benjamin Diokno sa isang text message na sumang-ayon na si Duterte sa planong 2019 budget na ihinayag sa pulong ng mga Gabinete kahapon.

“We plan to submit the 2019 P3.757 trillion cash-based budget on July 23rd, day of the state of the nation address,” wika ni Diokno.

Dinagdag ng kalihim na katumbas ng 19.8 percent ng gross domestic product ng bansa ang 2019 budget.

Magbabago na papunta sa sistemang cashed-based budgeting ang Department of Budget and Management (DBM) sa susunod na taon, kung saan maarai lamang magkaroon ang mga ahensya ng mga obligasyong kontraktwal at kabayaran sa mga kalakal at serbisyong hinatid sa loob ng fiscal year, na may pinahabang tatlong buwang bayaran.

Sinabi ng DBM na lilimitahan nito ang mga ahensya na magpasa ng mga budget proposal na magpapakita ng kabayaran kalakal at serbisyong maihahatid sa loob ng taon.

Ang obligation-based budget ngayong taon ay nasa P3.767. trilyon. (Jaeger Dwayne G. Tamaray)

vuukle comment

NATIONAL BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with