^

Bansa

2 suspek sa pagpatay sa Lanao del Sur town councilor sumuko

Pilipino Star Ngayon
2 suspek sa pagpatay sa Lanao del Sur town councilor sumuko

MANILA, Philippines – Nasakote na ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa pagpaslang ng isang konsehal ng munisipyo sa Balagbagan, Lanao del Sur.

Nakilala ang mga salarin na sina Abdulazis Abdulkadir at Alimparok Pagrangan na nahaharap sa iba pang kasong murder.

Sina Abdulkadir at Pagrangan ang itinuturong nasa likod ng pag-atake sa bahay ni dating Balagbagan Mayor Amer Sampiano, kung saan napatay ang kasalukuyang konsehal na si Nasif Bansil, habang lima pa ang sugatan.

Sinabi ni Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Chief Supt. Graciano Mirajes na sumuko sina Abdulkadir at Pagrangan sa mga lokal na opisyal nitong Linggo ng gabi matapos matunugan ang pagtugis ng ARMM at Army’s 6th Infanrty Division sa kanila.

Dinala na sa Criminal Investigation and Detection Group-ARMM ang dalawa kung saan mayroon silang arrest warrant dahil sa kaso ng murder sa Cotabato City, ilang buwan na ang nakararaan.

“Definitely, they will be prosecuted separately for the death of Councilor Bansil,” pahayag ni Mijares.

Pinagbabaril nina Abdulkadir at Pagrangan ang residential compound ni Sampiano gamit ang assault rifle nitong Sabado.

Tumakas ang mga supek sakay ng asul na Toyota Tamaraw FX na naka-parada sa malapit.

Patay naman ang kasamahan nilang si Fahad Guiday Abdulkader matapos paputukan ng mga kamag-anak ni Sampiano ang get-away vehicle habang papaalis.

Nakita ng mga rumispondeng pulis at sundalo ang katawan ni Abdulkader sa loob ng FX na iniwan sa isang lugar, dalawang baranggay ang layo.

Sinabi ni Mijares na nagpadala na ang Lanao del Sur Provincial Police ng mga emisaryo sa pamilya ng nasawi para balaan silang wag gumanti at ipaubaya sa mga awtoridad ang kaso para mahawakan sa ligal na paraan.

Karamihan sa 39 na bayan sa Lanao del Sur ay biktima sa away-angkan ng malalaking pamilyang may matataas na kalibre ng baril na sumisibolo ng kanilang katayuan at lakas sa pulitika.

vuukle comment

ARMM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with