^

Bansa

Outing ng PET revisor kinuwestyon

Helen Flores, Edu Punay - Pilipino Star Ngayon
Outing ng PET revisor kinuwestyon
Tinukoy sa motion ng kampo ni Marcos ang outing ng 24 head revisor ng PET, alternate head revisor, appraiser, ballot box custodian at chief tabulator na dinaluhan umano ng revisor ni Robredo na si Osmundo Abuyuan.
Edd Gumban

VP Recount

MANILA, Philippines — Hiniling kahapon ng kampo ni dating Senador Ferdinand R. “Bongbong” Marcos Jr. sa Presidential Election Tribunal na imbestigahan ang isang outing sa isang resort sa Calamba City, Laguna noong Hunyo 22 ng mga tauhan ng PET na kasama sa isinasagawang recount sa resulta ng vice presidential election noong 2016 dahil kasama rito ang isang revisor ng kampo ni Vice President Leni Robredo.

Tinukoy sa motion ng kampo ni Marcos ang outing ng 24 head revisor ng PET, alternate head revisor, appraiser, ballot box custodian at chief tabulator na dinaluhan umano ng revisor ni Robredo na si Osmundo Abuyuan.

Ayon sa abogado ni Marcos na si George Garcia, ipinagbabawal ng PET ang pakikisa­lamuha ng party revisor sa protestee.

Pero ipinagtanggol ng kampo ni Robredo ang pagdalo ng kanilang revisor sa outing sa pagsasabing lahat ng mga revisor kapwa nina Marcos at Robredo ay inimbitahan sa outing ng PET head revisors.

“Nakakapagtaka ang hinihinging imbestigasyon ng kampo ni Marcos gayong nagpadala rin sila roon ng pagkain,” sabi ng abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with