^

Bansa

Digong kinontra ni Lacson sa jueteng

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong kinontra ni Lacson sa jueteng
Sinabi ni Sen. Lacson, hindi puwede na utusan lamang ni Pangulong Duterte ang pulisya na payagan ang jueteng operations.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Hindi pabor si Sen.  Panfilo Lacson sa pla­no ni Pangulong Du­ter­te na payagan ang jueteng sa bansa.

Sinabi ni Sen. Lacson, hindi puwede na utusan lamang ni Pangulong Duterte ang pulisya na payagan ang jueteng operations.

“Hindi pwedeng ipag-utos ng Pangulo na ang iligal ay huwag panghimasukan ng pulis. Siguro ang mensahe niya ay i-prioritize ang illegal drugs over jueteng,” sabi ni Lacson kahapon.

Noong Huwebes ay sinabi ni Duterte na ang crackdown sa jueteng ay pumapabor lamang sa illegal drug trade.

“Ngayon kung parahin ko ‘yan [jueteng], I must be prepared to give another livelihood scheme sa mga tao. Kasi kapag wala ‘yan, wala kang ipapalit, anak ng... ang papalit niyan droga. Mas deadly,” sabi pa ng Pangulong Duterte sa Vice Mayors’ League of the Philippines’ national convention sa Bohol.

“Mas marami na at ang networking niyan [jueteng], mas malawak. Intensive and extensive. Ang magpapalit diyan yung mga drug lord. Sasakyan na lang nila ‘yung mechanism mismo,” wika ni Duterte sa mga vice mayor.

Pero sinabi ni Lacson, kapag pinayagan ang jueteng ay lalong mapapasama ang nakakarami.

“Ang problema sa STL, ginagawang cover ng jueteng. Mas gumaan pa kasi gamit nila ang ID ng STL pero hindi naman pinapasok sa PCSO,” sabi pa ni Lacson.

Aniya, may pagkaka­taon na ang mga STL ope­rators ay siya ring jueteng operators.

Hinimok ni Lacson ang pulisya na ituloy ang pagsugpo sa jueteng sa kabila ng naging pahayag ni Duterte.

“Ang suggestion ko sa PNP, huwag sila sumunod sa illegal na order. Kung harap-harapan na magkukubra sa harap mo at tatalikuran mo, dereliction [of duty] ‘yan,” giit pa ni Lacson.

vuukle comment

DU­TER­TE

JUETENG

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with