^

Bansa

Mayon nagbuga ng abo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mayon nagbuga ng abo
Ayon kay Ed Laguerta ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs), sa pagitan ng alas-?12:43 ng hapon ng magbuga ng abo ang Mayon na umabot sa 500 metro ang taas.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nagbuga na naman ng abo ang Bulkang Mayon kahapon ng tanghali.

Ayon kay Ed Laguerta ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs), sa pagitan ng alas-?12:43 ng hapon ng magbuga ng abo ang Mayon na umabot sa 500 metro ang taas.

Ang pagbuga ng abo ay naganap matapos ang ulan kaya kinokonsidera ito ng Philvolcs bilang minimal lamang.

Sinabi pa ni Laguerta na ang phreatic explosion ay dahilan na rin para hindi ibaba sa alert status ang Mayon dahil nagpapakita pa ito ng sensyales ng abnormalidad  mula sa pagpapahinga patungo sa hindi normal na paggalaw.

Dahil dito, kaya sinabihan na niya ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) na hindi pa sila maaaring magbigay ng go signal para ibaba sa alert status ang dalawang aktibong bulkan na Mayon at Bulusan.

Nananatili sa alert level 2 ang Mayon na ang ibig sabihin ay nasa moderate level of unrest at ang pagbubuga nito ng usok at abo ay senyales na mayroong magma at gas pressure.

Binalaan din ni Laguerta ang publiko na mag-ingat sa biglaang pagbuga ng lava, pyroclastic density currents (PDCs) at ashfall ang bulkan na nakaamba sa mga bandang taas at gitnang dalusdos ng bulkan.

Pinapayuhan din ang publiko na huwag pumasok sa six kilometer radius permanent danger zone at precautionary seven kilometer extended danger zone na ang mga nasasakop ay ang mga bayan ng Anoling at Camalig hanggang Sta. Misericordia at Sto. Domingo.

vuukle comment

MAYON

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with