^

Bansa

Whistleblower pa umatras

Gemma Garcia, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Whistleblower pa umatras
Ginawa ni Arlene Bal­tazar ang hakbang makaraang baligtarin ng naunang testigong si Marina Sula ang testimonya nito sa pagdinig ng Sandiganbayan First Division laban kay Revilla.
Michael Varcas

Revilla inabswelto

MANILA, Philippines — Isa pang testigo ng gobyerno ang nag-ab­swel­­to kay dating Senador Bong Revilla sa anomalya sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Ginawa ni Arlene Bal­tazar ang hakbang makaraang baligtarin ng naunang testigong si Marina Sula ang testimonya nito sa pagdinig ng Sandiganbayan First Division laban kay Revilla. 

Si Baltazar na accountant at bookkeeper ng JLN Corporation, ay umupo sa witness stand nitong hapon ng Hunyo 28 at, tulad ni Sula, sinabi niya na ang mga dokumentong idinidiin kay Revilla ay inihanda sa kanilang tanggapan at nilagdaan ni Benhur Luy.

Iniharap kay Baltazar ang mga letter of endorsement ng korte subalit sinabi niya na hindi na niya matandaan ang eksaktong petsa nito dahil posibleng napeke na ni Luy ang pirma nito dahil nakita niya itong pumirma.

“Si Benhur Luy ang pumirma sa mga ito (dokumento). Pirma po lahat iyan ni Benhur,” sabi niya.

Sa cross examination ng prosecution, tiniyak niya na si Luy ang nagpeke ng mga dokumento at walang alam dito si Revilla dahil magkalapit lang sila ng upuan sa opisina at wala silang divider o nakapagitan sa kanilang dalawa.

Bago tuluyang matapos ang testimonya, tina­nong ni Justice Gealdin Faith Econg ang testigo kung si Revilla ay tumanggap o hindi ng kickbak, na diretso namang sinagot ni Baltazar na sigurado siyang hindi tumanggap ang dating senador ng pera o kickback mula sa NGOs.

Nauna rito, isiniwalat ni Sula na si Luy ang naghanda ng mga pekeng PDAF documents na ginamit laban kay Revilla. Wala anyang partisipasyon ang dating senador sa anomalya sa PDAF.

Sinabi pa ni Sula na, inutusan siya ni Luy na idiin si Revilla nang magkausap sila sa telepono isang linggo bago magsimula ang trial sa Sandiganbayan.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with