^

Bansa

2nd year ni VP Leni idinaos sa Basilan

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
2nd year ni VP Leni idinaos sa Basilan
Si Vice Pres. Leni Robredo kasama ang mahihirap na komunidad sa Basilan.

MANILA, Philippines — Napili ni Vice Pres. Leni Robredo na makisa­lamuha sa iba’t ibang komunidad na nanga­ngailangan sa Basilan at Zamboanga, sa pagdiriwang ng kanyang ikalawang taon sa puwesto.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, ito ay patuloy na pagtupad sa pangako niya na alamin at subukang tugunan ang pangangaila­ngan ng mga nasa pinakamalalayo, pinakamaliliit, at pinakamahihirap na komunidad sa bansa.

Kahapon, isang araw bago ang anibersaryo ng kaniyang inagurasyon, binisita ni Robredo ang Sumisip at Lamitan City sa Basilan, dalawa sa mga lugar na sakop ng Angat Buhay anti-poverty program ng kaniyang opisina.

Sa Sumisip, nakilala ng Bise Presidente ang mga out-of-school youth na tutulungan ng kaniyang opisina na maka­balik sa pag-aaral at ma­kahanap ng trabaho, sa pakikiisa ng Dualtech Training Center Foundation. 

Sa Lamitan naman, dinalaw ni Robredo ang Yakan Tribe, na siyang nagpapatuloy ng “Tennun weaving.” Dito, nakita ng Pangalawang Pa­ngulo ang pangangailangan nila para sa isang wea­ving center, gayundin ang pagkakataon na direktang maibenta ang kanilang mga produkto sa mas mataas na ha­laga.

Bago nito, nagtungo si Robredo sa Zamboanga City at nakasalamuha ang mga miyembro ng Yakan Tribe na lumikas doon sa gitna ng kaguluhan. Nakadalaw rin siya sa cannery ng Mega Global MFC, ang produ­cer ng Mega Sardines, na ina­asa­hang maging kabahagi ng Angat Buhay. 

Ang mga pagbisitang ito ay bahagi ng progra­mang Angat Buhay ng Office of the Vice President, kung saan inilalapit ng tanggapan ang mga mahihirap ng komunidad sa mga nais magbigay ng tulong.

Sa kasalukuyan, tumutulong na ito sa 176 komunidad sa bansa, at nakapagbigay na ng higit sa P214-milyong tulong para sa 132,018 pamilya.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with