^

Bansa

Senate probe sa anti-tambay inihain

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senate probe sa anti-tambay inihain

MANILA, Philippines — Inihain na ni Sen. Antonio Trillanes ang Senate Resolution 775 upang paimbestigahan sa committee on public order and dangerous drugs ang ginagawang pag-aresto sa mga tambay ng Philippine National Police.

Layunin din ng reso­lusyon ni Trillanes na sili­pin ang mga kasalukuyang batas at local ordinances na pinagbatayan ng mga pag-aresto base na rin sa utos ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Trillanes, mahalagang matiyak na hindi nalalabag ang karapatang pantao ng mga inaaresto at naaayon sa batas ang ikinikilos ng mga miyembro ng pulisya.

Naniniwala si Trillanes na posibleng nagkakaroon ng mga paglabag dahil sa mga pag-aresto ng wala namang warrants.

Nawawala na rin aniya ang tamang proseso ng batas sa ginagawang pagkukulong sa mga nahuhu­ling tambay.

Sa halip aniya na ma­ging kampante ang mga mamamayan sa lansa­ngan ay nagiging dahilan pa ang mga nasabing panghuhuli ng PNP para magkaroon ng takot ang mga ito.

Sabi pa ni Trillanes, ang mga mahihirap ang tinatamaan at target ng anti-tambay drive.

Nauna rito, namatay si Genesis “Tisoy” Argoncillo, 22, na naaresto noong Hunyo 15 at ikinulong kasama ng mga ordinaryong kriminal.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with