^

Bansa

Robredo camp dumepensa

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Robredo camp dumepensa
Kahapon ay pinagmulta ng PET ng P50,000 ang kampo nina Robredo at Marcos dahil sa paglabag umano sa subjudice rule bunga nang pagbibigay umano ng statement sa media at pagtalakay sa isyu habang dinidinig sa korte ang electoral protest ng da­ting senador.
Ed Gumban

MANILA, Philippines — Matapos pagmultahin ng Supreme Court na siyang umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET), dumepensa ang kampo ni Vice President Leni Robredo at nagsabing ipinagtatanggol lamang nila ang kanilang sarili laban sa umano’y kasinungalingan ng kampo ni dating senador Bongbong Marcos.

Kahapon ay pinagmulta ng PET ng P50,000 ang kampo nina Robredo at Marcos dahil sa paglabag umano sa subjudice rule bunga nang pagbibigay umano ng statement sa media at pagtalakay sa isyu habang dinidinig sa korte ang electoral protest ng da­ting senador.

Ayon sa beteranong election lawyer at abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, sinasagot lang naman nila ang mga maling pahayag ng kampo ni Marcos.

Minsan umano ay wala silang choice kundi magsalita upang maliwanagan ang publiko sa gitna ng pagpapakalat ng black propaganda na ang intensyon ay i-discredit ang recount.

Habang isinusulat ang balitang ito sinabi ni Macalintal at maging ng lead legal counsel ni Marcos na si George Garcia na wala pa silang natatanggap na kopya ng resolusyon.

vuukle comment

LENI ROBREDO

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with