Petisyon ni Leila ibinasura
MANILA, Philippines — Ibinasura kahapon ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang petisyon ni Sen. Leila de Lima para ipawalang bisa ang kasong droga na isinampa dito dahil sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Ito ay ang Motion to Quash na una nang isinumite ng kampo ng senadora para ipawalang bisa ang kasong Conspiracy to Commit Illegal Drug Trading.
Ibinase ni Judge Patria de Leon ang pagbasura sa teknikalidad dahil sa dati na umanong natalakay ang nilalaman ng naturang mosyon.
Gayunman, hindi pa rin natuloy ang dapat sanang arraignment o pagbasa ng sakdal laban sa senadora matapos maghain ng 12 pahinang motion for reconsideration ang mga abogado ni de Lima.
Dahil dito binigyan muna ng korte ang prosecution ng 5 araw para pag-aralan at sagutin ang panibagong mosyon ng kampo ni de Lima at itinakda ang panibagong pagdinig sa Hulyo 27.
- Latest