P750 wage hike ‘dangerous’
MANILA, Philippines — Maituturing na ‘dangerous’ ang isinusulong na P750 wage increase ng labor sector dahil lalo lamang itong makakadagdag sa inflation.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, dapat ay ‘minimal’ lamang ang maging wage increase upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng bilihin at paglikha ng retrenchment.
“The reality is not everyone is a wage earner. If we increase the wage, costs will increase. Once the cost increase, this may push prices also to increase... the prices of products will increase,” paliwanag ni Lopez.
Ipinauubaya ng DTI chief sa regional wage boards ang desisyon sa nararapat na maging wage adjustments depende sa magiging paggalaw ng presyo sa kani-kanilang lugar.
Aniya, ang paghingi ng mas mataas na wage increase ay baka magresulta sa pagsasara ng mga negosyo sa bansa at pagkawala ng trabaho ng libo-libong manggagawa.
- Latest