^

Bansa

Tambay pinabibigyan ng trabaho

Joy Cantos, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tambay pinabibigyan ng trabaho
Sinabi ni Angara na dapat mas paigtingin ng gobyerno ang kanilang jobs program para sa kabataan upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tambay sa bansa.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Para walang tambay, kailangang tulungan sila ng gobyerno na maghanap ng ikabubuhay, ayon kay Sen. Sonny Angara.

Sinabi ni Angara na dapat mas paigtingin ng gobyerno ang kanilang jobs program para sa kabataan upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tambay sa bansa.

“Ang pinakamalaking porsyento ng mga unemployed ay mula sa sektor ng mga kabataan. At bilang sagot sa suliraning ito, isinabatas ang JobStart Law  na ang target ay ang mahigit isang milyong kabataang tambay na walang trabaho at hindi nag-aaral,” pahayag ni Angara na nagsilbing sponsor ng JobStart Philippines Act o ang Republic Act 10869, na nagpapatupad ng JobStart Program ng gobyerno na nagkakaloob sa mga kabataan ng libreng technical at life skills training, internships, job matching assistance at job referrals. 

Base sa pananaliksik ng Labor Force Survey nitong Abril 2018, lumalabas na sa kabuuang 2.36 milyong Pinoy na walang trabaho, halos kalahati nito, o 1.1 milyon sa mga ito ang kabataan. Tinatayang 41 porsyento sa buong bilang ng unemployed ay pawang nakatuntong o nakatapos ng high school, habang 36 porsyento naman ang nakarating at nakapagtapos ng kolehiyo.  

“Nakalulungkot na base sa mga pag-aaral, matapos maka-graduate sa college, karamihan sa mga kabataang ito ay inaabot ng humigit-kumulang dalawang taon bago makakuha ng trabaho. Ang high school graduates naman, bago makakita ng trabaho, inaabot pa nang hanggang apat na taon. Isipin na lang natin -- nakatapos ng college at high school ang mga yan, hirap na hirap pang makahanap ng trabaho -- paano pa kaya ang mga out-of-school youth?” sabi ni Angara.

Kaugnay nito, umaabot na sa halos 3,000  katao ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya kaugnay ng crackdown na ipinag-utos ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte laban sa mga tambay o pagala-gala sa mga kalye lalo na kung gabi sa Metro Manila.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde kung saan sa loob lamang ng limang araw na operasyon mula Hunyo 13-18 ng taong ito ay nasa 2,981 ang nasakoteng mga tambay.

Ayon kay Albayalde ang mga ito ay lumabag sa ordinansa  ng mga pamahalaang lungsod sa Metro Manila na kinabibilangan ng 944  nahuli sa paglabag sa curfew, 653 ang nahuli sa pag-inom sa mga pampublikong lugar, 651 ang half-naked o walang pang-itaas na damit, 456 ang umiinom sa pampublikong lugar at 138 ang lumabag sa batas trapiko.

vuukle comment

JOBS PROGRAM

JOBSTART LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with