^

Bansa

Bong Go, hinamon si Trillanes ng ‘saksakan ng ballpen’

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Bong Go, hinamon si Trillanes  ng �saksakan ng ballpen�
Hinamon pa nga nito ang senador na magsaksakan sila ng ballpen.
Geremy Pintolo
Ang article na ito ay pinublish noong June 2018. 

 

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Special Assistant to the President Bong Go si Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa hindi raw pag­seryoso nito sa kanyang “one-on-one” challenge.

Hinamon pa nga nito ang senador na magsaksakan sila ng ballpen.

Magugunita na noong Huwebes sinabi ni Go na handa siya sakaling gustuhin man daw ni Trillanes na mag-one-on-one silang dalawa.

Ito ay matapos naman siyang batikusin muli ng senador dahil sa pagiging hindi raw niya totoo sa kanyang political plans.

Sinagot naman ito ni Trillanes at sinabi pa na handa raw siyang makipag one-on-one kay Go at kay Pangulong Duterte sa pamamagitan nang paglalagda raw ng bank secrecy waivers upang sa gayon masilip daw ang mga yaman ng mga ito.

Nauna nang dinipensahan ni Pangulong Duterte si Go hinggil sa mga alegasyon ng umano’y pagkakasangkot niya sa Navy Frigate deal.

Iginiit ng punong ehekutibo na bilyonaryo si Go.

Pero para kay Go, biro lamang daw ang pahayag ni Pangulong Duterte na bilyonaryo siya.

“Nang pabirong sinabi ng Pangulo na bilyonaryo ako, merong ari-arian ang pamilya namin kung sakaling ibenta ito. ‘Yun ang ibig pong sabihin ng Pangulo,” ani Go.

“‘Di ko na kailangang magnakaw ng pera ng gobyerno at pera ng tao tulad ni Mr. Trillanes at tinatago agad sa ibang bansa,” dagdag pa nito.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with