^

Bansa

Bam suportado ang pagpapababa ng VAT

Pilipino Star Ngayon
Bam suportado ang pagpapababa ng VAT

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta si Sen. Bam Aquino sa pagkilos na ibaba ang value-added tax (VAT) sa 10 porsiyento upang mapagaan ang pasanin ng publiko sa mataas na presyo ng bilihin.

 “Suportado natin ang pagbaba sa VAT at mga panukalang magbibigay ginhawa sa mga pamilyang nalulunod na sa pagtaas ng presyo. Mahalagang aksyunan na natin ito,” wika ni Aquino, isa sa apat na senador na bumoto kontra sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Habang suportado niya ang pagkilos, nangako naman ang senador na babantayan ang pananatili ng exemption sa VAT, lalo na sa mga kooperatiba, senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

“Kailangan nang isalba ang mga Pilipinong nasagasaan ng TRAIN law. Kung ang pagbaba ng VAT uunahin ng Senado, susuportahan natin ito,” dagdag niya.

Isinusulong nina Sen. Panfilo Lacson at Risa Hontiveros ang pagpapababa ng VAT sa Senado.

"Patuloy rin naming ilalabang ang pag-preno sa TRAIN at pag-roll-back ng excise tax. Kailangan gawin ang lahat ng ating makakaya upang tulungan ang mga pamilyang hirap na hirap na," patuloy ni Aquino na magtatapos ang termino sa susunod na taon.

Bilang bahagi ng kanyang hangarin na mapagaan ang pasanin ng publiko, naghain si Aquino ng panukala na i-roll back ang excise tax sa langis sa ilalim ng TRAIN Law kapag ang average inflation rate ay lumampas sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.

 

vuukle comment

TRAIN LAW

VALUE ADDED TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with