^

Bansa

100 OFWs mula UAE nakauwi na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
100 OFWs mula UAE nakauwi na
Alas-9:30 ng umaga nang salubungin ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang mga OFW.

MANILA, Philippines — Dumating na kahapon sa bansa ang 100 OFWs na inabuso ng kanilang employers sa United Arab Emirates (UAE).

Alas-9:30 ng umaga nang salubungin ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang mga OFW.

Pinasalamatan ni Ca­yetano ang mga opis­yales ng UAE na nagbigay ng tulong para sa ‘repatriation’ ng mga OFW na nasa kanilang bansa.

Sinalubong din ang mga OFW ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nagbigay ng P5,000 inisyal na financial assistance sa bawat OFW. 

Tutulong din ang OWWA na magbigay ng ‘livelihood assistance’ sa kanila upang makapag-umpisa ng bagong buhay.

Pansamantala namang mananatili sa OWWA shelter sa May­nila ang mga OFW na nakatira sa malayong probinsya habang ang mga nakatira naman sa Luzon ay bibigyan ng pamasahe para maka­balik na sa kanilang mga mahal sa buhay.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with