^

Bansa

Digong tiwala pa rin kay Mocha – Malacañang

Pilipino Star Ngayon
Digong tiwala pa rin kay Mocha � Malacañang

MANILA, Philippines –  Hangga’t hindi pa sinisibak, nananatili pa rin ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyerno, kabilang si Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na wala pa namang aksyon si Duterte kay Uson na nasasangkot sa kontrobersya matapos makaalitan si Kris Aquino.

"She hasn't been fired. For as long as she hasn't been fired, she enjoys trust and confidence because all presidential appointees serve at the pleasure of the President," wika ni Roque.

BASAHIN: Mocha ipinahiya si Bong Go, hindi nag-sorry kay Kris

Nag-ugat ang lahat matapos i-post ni Uson sa kaniyang Facebook ang video ng paghalik ng isang babae kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa loob ng eroplano.

Ibinahagi ito ni Uson sa kasagsagan ng paghalik sa labi ni Duterte sa isang Pinay sa South Korea na tulad niya ay pamilyado.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Duterte kay Kris Aquino dahil sa ginawa ni Uson, ayon kay Special Assistant to the President Bong Go.

Tiniyak din ni Go na napagkasunduan nila ni Uson na hihingi rin siya ng paumanhin ngunit taliwas ito sa ginawa ng kalihim kahapon.

Sinabi ni Uson na hindi tungkol kay Kris Aquino ang kaniyang ibinahagi sa social media at hindi siya hihingi ng paumanhin para sa katotohanan.

vuukle comment

KRIS AQUINO

MOCHA USON

NINOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with