Digong nag-sorry kay Kris sa post ni Mocha
MANILA, Philippines — Si Pangulong Rodrigo Duterte na ang humingi ng paumanhin kay Kris Aquino dahil sa video na ipinakalat ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa kaniyang Facebook.
Sinabi ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na humingi ng paumanhin si Duterte kay Aquino dahil sa ginawa ni Uson.
Tungkol ang video sa paghalik ng isang babae kay dating Sen. Benigno Aquino Jr, ama ni Kris, sa loob ng eroplano. Ang naturang video ay naganap ilang minuto bago mapatay ang ama ng tv host sa paliparan.
"We conveyed our apologies for the incident concerning her and Mocha," sabi ni Go.
Inilabas ni Uson ang video sa kasagsagan ng kontrobersyal na paghalik ni Duterte sa isang Pinay sa South Korea.
Sinabi ni Go na napapayag nila si Uson na humingi ng paumanhin.
"We understand the emotions of both sides since both leaders are well-respected and loved,” patuloy ng SAP.
Hindi nakapagpigil si Kris Aquino matapos makita ang post ni Uson at hinamon ang undersecretary na magharap.
- Latest