^

Bansa

Excise tax sa langis inirekomendang suspendihin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Excise tax sa langis  inirekomendang suspendihin

MANILA, Philippines — Inirekomenda na kahapon ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe na suspendihin ang excise tax sa langis na bahagi ng tax reform package.

Ginawa ng komite ang rekomendasyon matapos ang public hearing sa Iloilo kahapon tungkol sa epekto ng Republic Act No. 10963 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law partikular sa mga bilihin at transportasyon.

Ipinunto ni Poe ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo kaya dapat ng pag-aralan ng Department of Finance ang suspensiyon.

Sa ginanap na pagdinig, lumabas na ang pump prices sa Panay region ay tumaas na ng nasa 30 porsiyento o P10.00 sa diesel at gasolina simula noong Disyembre ng nakaraang taon.

Idinagdag ni Poe na hihilingin niya ang tulong ng mga kasamahang senador na suportahan ang panawagan sa suspensiyon ng excise tax sa langis.

vuukle comment

EXCISE TAX

GRACE POE

SENATE COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with