^

Bansa

Second chance sa 2 Chinese firms – Roque

Pilipino Star Ngayon
Second chance sa 2 Chinese firms � Roque

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Palasyo na dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon ang dalawang Chinese company na blacklisted ng World Bank dahil sa katiwalian.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na "everyone is entitled to a second opportunity” kung saan tinutukoy niya ang China State Construction Engineering Corporation (CSCEC) at China Geo-Engineering Corporation (CGC) na inilagay ng World Bank sa kanilang blacklist noong 2009.

"Itong dalawang kumpanya na CSCEC and China Geo Engineering Corporation sila naman po ay nakapag-serve na ng period kung kailan po sila'y na-blacklist ng World Bank. Ito po ay para sa taong 2014 and 2015," pagtatanggol ni Roque.

Naisama sa listahan ang dalawang kompanya dahil sa mga alegasyon ng mga patagong kasunduan sa mga kompanya sa Pilipinas para sa bidding scheme sa isang malaking proyekto.

Kinuha ng gobyerno ng Pilipinas ang dalawang kompanya para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Sinegundahan naman ito ng Inter-agency Task Force Bangon Marawi at sinabing paso na ang blacklist period ng dalawang kompanya.

Sinabi ni Roque na ang gobyerno at media ay kailangang magtulungan sa pagsubaybay sa rehablitasyon ng Marawi.

"Tayo po ang magbabantay sa mga kontratista na bubuo ng bagong syudad ng Marawi so sama-sama po tayong magbabantay. 'Yan po ang ultimate assurance natin na gaganapin ng mga kontratista ang kanilang katungkulan," ani Roque.

Naglabas ng pagkabahala ang Liberal Party sa posibleng pagkasali ng dalawang kompanyang Chinese sa pagsasaayos ng Marawi, sinasabing baka makaapekto ito tiwala ng publiko.

"The people of Marawi already suffered enough. The administration should not aggravate their pain by turning a blind eye on martial law abuses and counting on Chinese contractors with questionable backgrounds to take charge of Marawi City’s rehabilitation," sabi ng oposisyon party sa kanilang pahayag.

vuukle comment

MARAWI REHABILITATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with