^

Bansa

Wala kaming pinapatag na bundok – Villar

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Wala kaming pinapatag na bundok � Villar
Sa isang panayam bago magsimula ang taunang cooking competition sa Las Piñas City, binasa ni Villar ang isang nakahandang statement tungkol sa isyu.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Muling itinanggi kahapon ni Sen. Cynthia Villar na kompanya nila ang sinasabing nagpatag ng isang bundok sa Boracay upang pagtayuan ng isang condominium project.

Sa isang panayam bago magsimula ang taunang cooking competition sa Las Piñas City, binasa ni Villar ang isang nakahandang statement tungkol sa isyu.

“Ah no (nasa likod ng pagpatag ng bundok). It’s not our property. It’s a joint venture to our company. Wala kaming nili-level. It’s besides Shangri-la …we don’t own the property. It’s owned by somebody else,” sabi ni Villar.

Sinabi ni Villar na lahat ng developments sa kanilang investments sa Boracay ay matagal nang itinigil.

“I would like to reiterate and stress that all developments in our Boracay investment have long stopped,” sabi ni Villar.

Idinagdag ni Villar na bilang isang public servant at chairperson ng Senate committee on environment and natural resources, nananatili ang kanyang pagnanais na mabigyan ng proteksiyon ang kalikasan.

Mas pinapahalagahan umano niya ang katungkulan sa bayan at hiwalay ito sa business interest ng kanilang pamilya.

Nauna rito, napaulat na isang bundok umano sa Boracay ang pinatag ng walang kaukulang permiso para pagtayuan ng isang resort na pag-aari umano ng pamilya ni Villar.

vuukle comment

SEN. CYNTHIA VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with