^

Bansa

Pekeng Dengvaxia cards kumakalat

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pekeng Dengvaxia cards kumakalat
Ang Dengvaxia cards ay ipinamahagi ng DOH noong Enero sa mga estudyante na naturukan ng Dengvaxia at ginagamit para sa pag-monitor ng kalusugan ng mga nabakunahan.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko si House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles tungkol sa pagkalat ng pekeng Dengvaxia cards na tulong sana para sa mga lehitimong nabakunahan ng Dengvaxia.

Ang Dengvaxia cards ay ipinamahagi ng DOH noong Enero sa mga estudyante na naturukan ng Dengvaxia at ginagamit para sa pag-monitor ng kalusugan ng mga nabakunahan. 

Magagamit din ito at para sa pagpapa-ospital at sa gamutan ng Dengvaxia patient.

Subalit nababahala si Nograles dahil napepeke na ito ngayon at maaari itong magpalala sa sitwasyon ng mga tunay na vaccinees.

Dahil dito, pinakikilos ng kongresista si Health Sec. Francisco Duque III na maglagay ng safeguards sa verification ng Dengvaxia cards at pina­tutukoy ang mga pekeng Dengvaxia cards.

Pinagagawa rin ang DOH ng database para ma-verify kung talagang totoong vaccinees ang humihingi ng tulong sa gobyerno.

vuukle comment

DENGVAXIA CARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with