^

Bansa

Pimentel out, Sotto in

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pimentel out, Sotto in
Bagaman at hindi pa pormal na inihahain, isang manifesto ang nilagdaan ng nasa 14 senador na naglalayong magkaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Lumutang na kahapon ang posibilidad na mas mapapabilis ang pagpalit sa puwesto ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na maaaring mangyari sa susunod na linggo.

Bagaman at hindi pa pormal na inihahain, isang manifesto ang nilagdaan ng nasa 14 senador na naglalayong magkaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado.

Kabilang sa mga ito sina Senators Loren Legarda, Nancy Binay, Sonny Angara, Joel Villanueva, Gringo Honasan, Panfilo Lacson, Miguel Zubiri, Manny Pacquiao, Cynthia Villar, Francis Escudero, Richard Gordon, Ralph Recto at JV Ejercito.

Ayon sa source, nga­yong araw lalagda si Sen. Grace Poe.

Nakatakdang magkaroon ng caucus sa Lunes ang mga senador at inaasahang tatalakayin ang pagbabago sa liderato ng Senado.

Nauna ng kinumpirma ni Sotto na napag-usapan na nila ni Pimentel ang tungkol sa pagpapalit sa liderato ng Senado sa sandaling maghain na ito ng kanyang certificate of candidacy sa Oktubre.

Samantala, bagaman at nakahanda si Pimentel na bumaba sa posisyon, tiwala itong hindi ito mangyayari sa Lunes.

Wala rin umanong idea si Pimentel tungkol sa sinasabing resolusyon na nilagdaan ng mayorya ng mga senador.

Wala ring balak si Pimentel na magsagawa ng loyalty check bagaman at handa umano siyang mapalitan ng kahit na sinong senador na ang termino ay lampas sa Hunyo 30, 2019 upang hindi mabakante ang Se­nate presidency.   

vuukle comment

AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III

VICENTE “TITO” SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with