^

Bansa

Excise tax sa oil products pinatitigil

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang maraming dahilan sa pagtaas ng presyo ng bilihin, iginiit ni Sen. Bam Aquino na dapat tutukan ang mga aspeto na kontrolado ng pamahalaan tulad ng excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

“Maaaring kontrolin ang TRAIN ang pagpataw ng buwis sa petrolyo. Bigyan natin ng kaunting ginhawa ang mga pamilya, isuspindi natin ang excise tax,” wika ni Sen. Bam na tinutukoy ang kanyang panukala na itigil ang koleksiyon ng excise tax ng produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN kapag lumampas ang inflation rate sa “target range.”

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1798 ni Sen. Bam, ititigil ang pangongolekta ng excise tax sa gasoline sa ilalim ng train kapag ang average inflation rate ay lumampas sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan. Samantala, inamin ng gobyerno na hindi pa nila naipapatupad nang lubos ang mga social benefits program sa ilalim ng TRAIN  law. 

Sa pagdinig ng House Ways and Means Committee, nabatid na hindi pa nauumpisahan ang pamamahagi ng P200 na voucher para sa Pantawid Pasada ng mga pampasaherong Jeep. 

Paliwanag ni Arnel Guballa ng Operations Group ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na under study at pinag-aaralan pa rin hanggang sa ngayon ang naturang programa.  - Gemma A. Garcia

vuukle comment

TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with