^

Bansa

Pagbuwag sa PCGG mauuwi sa katiwalian, pagbabago sa kasaysayan – Bam

Pilipino Star Ngayon
Pagbuwag sa PCGG mauuwi sa katiwalian, pagbabago sa kasaysayan � Bam

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni Sen. Bam Aquino ang pagpasa ng Kamara sa panukalang batas na bubuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) na humahabol sa mga nakaw na yaman ng pamilyang Marcos.

“Kung talagang determinado ang gobyerno na labanan ang katiwalian, bakit nais nitong buwagin ang PCGG?” wika ni Aquino.

“Sa halip na buwagin, mas magandang palakasin pa ang PCGG dahil marami pang pera at marami pang bank accounts ang hindi pa naibabalik sa mga Pilipino,” dagdag ng senador.

BASAHIN: Panukalang batas na bubuwag sa PCGG, OGCC pasado na sa Kamara

Sa botong 162-10 ay lumusot ang House Bill 7376 sa ikatlo at huling pagbasa.

Ayon sa senador, bahagi ng planong baguhin ang kasaysayan ukol sa nakaw na yaman ng mga Marcos ang pagbubuwag sa PCGG.

“This will institutionalize historical revisionism. Pilit na binabago ang kasaysayan sa pagkilos na ito,” patuloy niya.

Sinabi ni Aquino na walang panukalang nakabimbin sa Senado ukol sa pagbuwag sa PCGG.

Sa 30 taon nito, matagumpay na nabawi ng PCGG ang $3.6 bilyon o P170 bilyong piso mula sa tinatayang $10 bilyon na nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Ang nabawing pondo ay ginagamit para sa Comprehensive Agrarian Reform Program ng pamahalaan at pambayad sa mga biktima ng Martial Law.

vuukle comment

PCGG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with