Partial lifting ng deployment ban sa Kuwait simula na
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Malacañang na simula na ng partial lifting ng deployment ban para sa mga skilled at semi-skilled workers sa Kuwait na resulta ng nalagdaang memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kahapon nagsimula ang partial lifting base na rin sa plano ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
“By now po, it should have been lifted already kasi ngayon ang plano ni Secretary Bello,” ani Roque.
Inihayag din ni Roque na may 20,000 OFWs mula sa bansa ang makikinabang sa pagtanggal ng ban.
“So there are 20,000 expected po na made-deploy ngayon sa Kuwait na skilled and semi-skilled workers,” sabi ni Roque.
Maging ang ban sa pagpapadala ng mga domestic helpers sa Kuwait ay matatanggal na rin bagaman at wala pang katiyakan kung kailan ito mangyayari.
- Latest