^

Bansa

Pagbasura sa Road Board iraratsada

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iraratsada na ng liderato ng Kamara sa pagbubukas ng sesyon nito bukas ang panukalang batas na nagbabasura sa Road Board para maiwasan ang umano’y illegal na paggamit sa bilyong pisong Road User’s tax na nakokolekta ng gobyerno.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairman ng House Committee on good government and public accountability, tatrabahuhin nila kaagad ang pagpasa sa House Bill no. 6236 na inihain ni Speaker Pantaleon Alvarez na nagbubuwag sa Road Board at naglilipat sa functions nito sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang Road Board ang siyang umano’y ugat ng katiwalian  at umanoy kumita ng milyong piso sa pamamagitan ng mga kickbacks ng mga dati  nitong opisyal. Puna pa ni Alvarez,sa mga nakalipas na panahon ay nadiskubre ng Commission on Audit (COA) ang umanoy illegal na road fund na tinata­yang P90.72 bilyon mula 2001 hangganag Disyembre 2012.

vuukle comment

KAMARA

ROAD BOARD

ROAD USER’S TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with