^

Bansa

Sereno hahatulan na

Doris Franche-Borja, Jess Diaz - Pilipino Star Ngayon
Sereno hahatulan na
Ito ang ibinunyag kahapon ni Mindoro Oriental Congressman Reynaldo Umali na nagsabi sa isang panayam sa radio station dzMM na buo na ang konklusyon sa pagpapatalsik kay Sereno ng sarili nitong mga kasamahan.
File Photo

MANILA, Philippines — Patatalsikin ng Supreme Court sa puwesto ang sarili nitong chief justice na si Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng botong (11-3) pabor sa quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida na humihiling na ideklarang hindi balido ang pagkakatalaga kay Sereno sa puwesto.

Ito ang ibinunyag kahapon ni  Mindoro Oriental Congressman Reynaldo Umali na nagsabi sa isang panayam sa radio station dzMM na buo na ang konklusyon sa pagpapatalsik kay Sereno ng sarili nitong mga kasamahan.

Inaasahang pagbobotohan ngayon ng mga miyembro ng Supreme Court ang naturang quo warranto petition.

Tinaya ni Umali na 11 mahistrado ang boboto para patalsikin si Sereno sa puwesto habang tatlo ang kokontra.

Si Umali ang taga­pangulo ng justice committee ng House of Re­presentatives na nagrekomenda ng impeachment laban kay Sereno.

Nang tanungin ng mga reporter si Umali kung saan niya nakuha ang naturang impormasyon, isinagot niya na meron siyang mga impormante sa loob ng Supreme Court.

Sinabi naman ni Umali na, kung hindi patatalsikin si Sereno ng mga kasamahan nito, ipapadala na ng House sa Senado ang impeachment case laban sa punong mahistrado.

Samantala, magsasagawa ng ‘Jericho March’ ang  mga supporters ni Sereno nga­yong umaga. 

Unang napaulat na pagbobotohan na ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa special en banc meeting ang quo warranto petition laban kay Sereno.

Ang Jericho March ay pagmartsa na may kasamang pagdarasal na nasasalig sa Bibliya.

Ipapanawagan ng Coalition for Justice sa Korte Suprema ang pagbasura sa quo warranto petition at igigiit na tanging impeachment ang paraan upang matanggal sa puwesto ang isang Chief Justice.

Sinabitan naman ng mga  pulang ribbon ang paligid ng compound ng Korte Suprema bilang paghahanda ng mga kontra kay Sereno sa inaasahang desisyon sa quo warranto case nito ngayon.

Pula ang kulay na simbolo ng mga opisyal at kawani ng Hudikatura na nananawagan ng pagbibitiw ni Sereno.

vuukle comment

MARIA LOURDES SERENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with