^

Bansa

Mga kandidato binalaan sa Avengers

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mga ‘baduy’ ang mga kandidato na idinadaan sa pagandahan  ng poster gamit ang Avengers.

“Oh, and btw, actually hindi cool yun ipapalit nyo yung mukha nyo sa mukha ng isang Avenger. Baduy yun,” tweet ni Commission on Election (Comelec) spokeperson James Jimenez.

Nairita si Jimenez sa mga kandidatong idinikit sa katawan ng Avengers ang kanilang mga mukha.

Aniya, ginagawang bobo ng mga kandidato ang mga botante dahil sa paniniwalang kung sino ang may pinakapatok na poster ay iyon ang makakakuha ng boto.

“Ginagawa nyong bobo ang mga botante, Ma-copyright infringement sana kayo,” tweet niya pa.

Maaari pa aniyang makasuhan ng copyright infringement ang mga gumagamit sa mga imahe ng naturang superhero film sa pangangampanya kung may maghahain ng reklamo laban sa kanila.

Ang Avengers ay mga American superhero team  sa Hollywood films noong taong 2012.

vuukle comment

JAMES JIMENEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with