^

Bansa

80% voters turnout target ng Comelec sa Bgy., SK polls

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
80% voters turnout target  ng Comelec sa Bgy., SK polls
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, umaasa silang marami pa ring boboto sa kabila ng kakaunting mga kandidato sa ilang mga lugar.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Target ng Commission on Elections (Comelec) na maabot ang 70 hanggang 80 porsiyento ng voters turnout sa Barangay at Sangguniang Kabataang elections.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, umaasa silang marami pa ring boboto sa kabila ng kakaunting mga kandidato sa ilang mga lugar.

Sa pagsisimula ng kampanya kahapon,  pinaalalahanan ni Jimenez ang mga kandidato hinggil sa mga ipinagbabawal ng batas sa pangangampanya.

Aniya, alam naman ng mga kandidato ang kanilang mga obligasyon at sinumpaan kung kaya’t alam ng mga ito kung ano ang legal at hindi.

Pangunahin sa mga ipinagbabawal ang paglalagay ng poster sa mga hindi common area tulad ng kawad ng kuryente, mga pasilidad at  iba pa.

Hindi rin umano dapat na pairalin ng mga kandidato ang kanilang init ng ulo o pagkapikon dahil ang eleksiyon ay isang araw lamang. Mas dapat na alalahanin ng mga ito na ang lahat ay para sa kanilang mga nasasakupan.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ni Jimenez ang mga botante na hindi nakaboto noong nakaraang eleksiyon na tatanggalin na sila sakaling mabigo pa rin silang bumoto ngayong Bgy. at SK elections.

vuukle comment

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAANG ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

JAMES JIMENEZ

VOTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with