^

Bansa

40 % ng Boracay-CARP land maipapamahagi sa magsasaka-DAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maipagkakaloob sa mga magsasaka na be­nepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang may 40 porsiyento ng lupain sa Boracay island.

Ito’y ayon sa Depart­ment of Agrarian Reform (DAR) ay kung itutuloy ng pamahalaan ang planong land reform program sa lugar kahit na ang malaking bahagi nito ay na uukopahan na ng mga negosyo.

Ayon sa DAR, sa 408.5113 ektarya ng agricultural land sa isla ay may 1,006.64 ektarya ng lupa na maaaring isailalim sa land reform ng pamahalaan batay sa resulta ng isinagawang ocular inspection sa Boracay.

Sa ilalim ng Proclamation 1064 ng noo’y dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2006, ang Bora­cay island ay naidek­larang may 628.96 ektarya ng agricultural land at 377.68 ektarya ng forest land.

Ang may 220.44 ektarya ng agriculture land sa Boracay ay ginamit na sa ibang paraan at exempted mula sa land reform at ang nalala-bing 408.5113 ektarya ay nananatiling nasa ilalim ng reporma sa lupa.

Gayunman, sinabi ni DAR Secretary John Castriciones na wala pa namang utos ang Palas­yo kung ipamamahagi ang lupa sa mga CARP beneficiaries na nasa 84 katao ang kuwalipikado.

Related video:

vuukle comment

BORACAY ISLAND

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with